Jackpot

P281M Grand Lotto 6/55 jackpot paghahatian ng 2

Arlene Rivera Sep 9, 2024
26 Views

DALAWANG mananaya ang maghahati sa mahigit P281 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning combination na 31-03-17-47-24-20 at may kabuuang jackpot prize na P281,263,080 paghahatian ng dalawang bettors na taga-Metro Manila, ayon sa PCSO.

Binili sa SM BF Parañaque at Metro Retail Stores Group Inc. sa Muntinlupa City ang winning lotto tickets.

Samantala, 59 na mananaya ang nanalo ng tig-P100,000 matapos mahulaan ng tama ang lima sa anim na winning numbers at 2,075 naman ang tatanggap ng tig-P1,500 para sa apat na tamang numero.

May isang taon mula sa draw date ang dalawang winners upang i-claim ang kanilang premyo alinsunod sa Republic Act 1169 o batas na sumasaklaw sa PCSO lotteries.

Lahat ng jackpot prizes kailangang i-claim sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Kinakailangang isulat ng mga nanalo ang kanilang pangalan at pirma sa likod ng winning ticket at magprisinta ng dalawang government-issued ID o dokumento.

Ayon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang mga lotto winnings na higit sa PHP10,000 papatawan ng 20 porsyentong buwis.

Ang Grand Lotto 6/55 binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.