Regino

P29.7B 13th month credit bigay ng SSS sa mga pensyonado

153 Views

NAGLAAN ng P29.74 bilyon ang Social Security System (SSS) para sa 13th month credit ng 3.6 milyong pensyonado nito.

Ayon kay SSS president at chief executive officer Michael Regino ang 13th month hinati sa dalawang batch ang mga pensyonado.

“This year, we have also pushed for the early crediting of the 13th month and December 2022 pensions so that our pensioners can withdraw them ahead of the holiday rush,” sabi ni Regino.

Ang unang batch ay makatatanggap simula Disyembre 1 at ang ikalawang batch ay sa Disyembre 4 pero dahil natapat ito na araw ng Linggo, kaya makukuha na nila ito simula sa Disyembre 2.

Inabisuhan umano ng SSS ang mga non-PESONet participating bank kung saan dumadaan ang ipinapadala nitong pensyon na ibigay ang 13th month ng hindi lalagpas ng Disyembre 4.

Nakipag-ugnayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation na agad ihatid ang mga tseke ng mga pensyonado na sa ganitong paraan tumatanggap ng pensyon.

Nagsimulang magbigay ng 13th month ang SSS noong 1988.