PDEA Source: PDEA

P3.4M shabu nakuha, HVT nalambat ng PDEA sa Lanao del Sur

Alfred Dalizon May 24, 2025
16 Views

ISANG buy-bust operation sa Lanao del Sur na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang mga operatiba ng Philippine National Police nitong Biyernes sa Taraka, Lanao del Sur ang nagresulta sa pagkakasamsam ng kalahating kilo ng shabu na may halagang P3.4 milyon.

Ang operasyon sa Barangay Sundig ay nagresulta din sa pagkakadakip ng isang ‘high-value target’ sa Mindanao na may alyas na ‘Tammy/Macar,’ isang 31-anyos na residente ng kalapit na Bgy. Dimayun, ayon sa isang report kay PDEA Director General, Undersecretary Isagani R. Nerez.

Kasama ang mga tauhan ng PNP Special Action Force, Lanao del Sur Provincial Mobile Force Company at Taraka Municipal Police Station, pinangunahan ng mga ahente ng PDEA Lanao del Sur Provincial Office ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang plastic bag na may lamang kalahating kilo ng shabu na nagkakahahala ng P3.4 million at ang buy-bust money.

Ayon kay PDEA Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Gil Cesario P. Castro, ang naarestong suspek ay nakakluong na sa isang local na lock-up facility ng ahensiya.

Siya ay mahaharap sa mga non-bailable charges na sale at possessin of prohibited drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.