BOC

P3M halaga ng puslit na sigarilyo kumpiskado

191 Views

NAKUMPISKA ng pulisya ang 103 kahon ng sigarilyo na iligal umanong ipinasok sa bansa.

Ang P3 milyong halaga ng sigarilyo ay isinakay sa isang Fuso Aluminum Wing Van nang maharang ng mga pulis sa isang checkpoint sa Davao City noong Pebrero 14.

Wala umanong kaukulang dokumento ang mga sigarilyo.

Ang mga sigarilyo ay ibinigay sa Bureau of Customs (BOC) – Collection District XII.