Taga-EMBO di iniwan ng Taguig
May 9, 2025
Taumbayan tagumpay sa pagpasa ng RA 12179
May 9, 2025
Calendar

Provincial
P400K na shabu, boga nasamsam sa drug suspek
Bernard Galang
Apr 15, 2025
47
Views
NASAMSAM noong Lunes sa isang drug suspek ang mahigit P400,000 na halaga ng shabu at baril sa buy-bust sa Pampanga.
Kinilala ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang suspek na si alyas Pring, 37, ng Brgy. Pulung Masle, Guagua, Pampanga.
Nahuli ang suspek sa entrapment ng mga miyembro ng Pampanga police, Pampanga Provincial intelligence Unit at San Fernando City police sa Brgy. San Jose, San Fernando City, Pampanga.
Nakuha sa suspek ang humigit-kumulang sa 61 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P414,800, cal .380 na baril, isang magasin ng .380 na kargado ng dalawang live round ng kalibre .380, isang motorsiklo at isang cellphone.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165, RA 10591 at Omnibus Election Code.
3 nagpanggap na empleyado ng Comelec, tiklo
May 8, 2025
VILLAFUERTE, CAMSUR MAYORS TODO SUPORTA KAY TOL
May 8, 2025