Pahirapan ibenta ang talent ni merlat
Jun 1, 2025
Calendar

Provincial
P41M jackpot tinamaan ng mananaya sa Pampanga
Peoples Taliba Editor
Jun 5, 2023
301
Views
ISANG mananaya sa San Fernando, Pampanga ang nanalo ng P41.256 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa lang ang nakakakuha ng winning number combination na 25-15-05-11-09-03 sa bola noong Hunyo 2.
Ang nanalo ay tumaya sa McArthur Highway, San Fernando.
Nanalo naman ng itg-P32,000 ang 172 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Ang 4,950 na nakakuha ng apat na numero ay tumama naman ng tig-P1,000 samantalang ang 52,082 mananaya na nakatatlong numero ay tig-P30 ang tinamaan.
MinOr patuloy laban vs malnutrition; PNC kumilos
Jun 1, 2025
Kagawad, 2 pa, nagsuko ng 3 paltik na boga
Jun 1, 2025