Calendar

P480K na shabu nakumpiska sa 2 suspek na tulak sa Rizal
KAMPO BGEN. VICENTE LIM–Arestado ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng droga na may pag-iingat na mahigit P480,000 na halaga ng shabu sa buy-bust ng Taytay police-Station-Drug Enforcement Team noong Huwebes sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Dakong alas-9:50 ng gabi nahuli sina alyas Hanor at Gerald sa tulong ng poseur-buyer.
Umaabot sa 71 na gramo ng shabu na may standard price na P482,800 ang nakumpiska sa dalawa.
Pinuri ni Police Regional Office (PRO)-4A director P/BGen. Paul Kenneth Lucas ang mga pulis sa operasyon laban sa dalawang suspek.
Nakakulong sa custodial facility ng Taytay police ang dalawa habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).