Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Provincial
P528K na shabu nakuha sa 2 lalaki
Jojo Cesar Magsombol
Sep 3, 2026
188
Views

LIPA CITY, Batangas–Timbog noong Martes ang dalawang itinuturing na High-Value Individual (HVI) matapos makasamsam ng shabu sa kanila sa buy-bust sa Purok 2, Brgy. 2 sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Tropa, 37; at Sitti, 39.
Ayon sa ulat kay PLt. Col. Aleli Cuyan Buaquen, nakuha sa mga suspek ang 77.74 na gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P528,632.
Sinabi ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) director PC9l. Oliver Ebora na ang paghuli sa dalawa ay bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad.
Nakadetine ang mga suspek sa Lipa police custodial facility at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026

