Chemo

Libreng chemo ng Laguna nagbigay pag-asa, kumpiyansa sa may lymphoma

Gil Aman Sep 3, 2026
14 Views

NOONG una, duda si Dr. Norberto Arambulo na kaya ni Laguna Gov. Sol Aragones akuin ang libreng chemotherapy sa mga Lagunense.

Pero hindi na ngayon dahil siya mismo ang nakinabang sa treatment session nang magkaroon siya ng lymphoma.

Bilang doktor, alam niya kung anu-ano ang mga kailangan sa kaso niya pero hindi biro ang gastos, effort at oras na gugugulin sa treatment.

Nang sumalang na siya sa treatment sa ilalim ng programa ng Gobyernong May Solusyon, ang pagdududa sa programa ay napalitan ng kumpiyansa at paniniwala.

Ipinagpapasalamat niya rin ang mga kasangkapan at nurses na kumalinga sa kanya sa bawat chemo session.

Very memorable ang Setyembre 1 sa kanya dahil si Dr. Arambulo ang kauna-unahang nagtapos sa programang libreng chemotherapy sa Laguna.

Kaya ibinahagi ni Dr. Arambulo ang mensahe ng pag-asa at kumpiyansa lalo na sa kapwa Lagunense na nangangamba sa gastos.

Lubos ang kanyang pasasalamat kay Gob. Sol na instrumental sa programang nakatutulong sa mga cancer patient.

Sabi nga ng gobernadora: “Hanggang posible at kayang gawing libre para sa mga Lagunense dapat ibigay ng libre. Pera ito ng taong bayan na ibinabalik ko lang sa inyo.”

Patunay si Dr. Arambulo na sa Laguna hindi nag-iisa ang mga may malubhang sakit.