Garcia

Allowance para sa Iskolar ng Bataan ibinigay

Christian Supnad Sep 3, 2026
13 Views

THE BUNKER, Bataan–Umabot sa 1,824 Iskolar ng Bataan ang tumanggap ng allowance noong Miyerkukes sa Bataan People’s Center.

Ang pamamahagi ng cash refund para sa unang batch ng Iskolar ng Bataan para sa ikalawang semestre ng school year 2025–2026, ani Gov. Joet Garcia, ang namuno sa pagbibigay ng allowance.

Nakatakda namang ipamamahagi ang para sa ikalawang batch, na binubuo ng 1,440 benepisyaryo sa Huwebes.

Ibinahagi ng gobernador ang mahahalagang programa ng pamahalaang panlalawigan na layong magbigay ng pangmatagalang benepisyo sa mga tao.

Ibinahagi rin ng gobernador ang isinusulong na electric mobility sa lalawigan, kabilang ang pagtatayo ng mga solar charging stations sa iba’t ibang lugar.

Layunin nitong suportahan ang mas matipid, episyente, at makakalikasang uri ng transportasyon.

“Binabati po natin ang lahat ng Iskolar ng Bataan program beneficiaries,” dagdag ni Gov. Garcia.