Rubio

P86M asukal na tinangkang ipuslit sa bansa naharang ng BOC

149 Views

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P86 milyong halaga ng asukal na tinangka umanong ipuslit sa loob ng bansa.

Ayon sa BOC naharang ang 15,648 bag ng refined sugar na tumitimbang ng 780,000 kilo sa Port of Subic noong Marso 15.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na lalo pang paiigtingin ng ahensya ang kampanya laban sa mga misdeclared agricultural products.

Idineklara umanong goma na gagamitin sa paggawa ng tsinelas o sapatos ang laman ng mga container.

Ito na ang ikatlong shipment ng asukal na naharang sa Subic ngayong buwan.

Inaalam naman kung maaaring ibenta ang mga nasabat na asukal sa mga Kadiwa outlet.