Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Metro
Dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue pinalawig
Peoples Taliba Editor
Mar 19, 2023
560
Views
PINALAWIG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggo ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ayon sa MMDA magsasagawa muna ng road patch work ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naturang kalsada bago opisyal na simulan ang ekslusibong lane para sa mga motorsiklo.
Nauna ng sinabi ng MMDA na sisimulan ang ekslusibong paggamit ng naturang lane sa Lunes, Marso 20.
Umaasa ang MMDA na mas marami ng magiging pamilyar sa ipatutupad na polisiya sa pagpapalawig ng dry run.
Mula Marso 9 hanggang 16 ay 2,173 motorsiklo at 7,584 four-wheeled vehicle ang nahuli at binigyan ng babala ng MMDA.
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
8-anyos na batang lalaki na-hit and run sa Taguig
Oct 31, 2026

