Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Marines

PA, PN hiniling na magsagawa ng background check sa 18 ex-Marines

159 Views

SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na sumulat na siya sa Philippine Navy (PN) at Philippine Army (PA) upang magsagawa ng record check at background investigation sa 18 umano’y dating Marines, matapos lumabas ang mga paunang ulat na marami sa kanila ang dishonorably discharged at ang ilan ay hindi naman umano naging miyembro ng Philippine Navy.

“Sa akin, mukhang not just may political color, mukhang may destabilization aspect as well,” dagdag niya.

Ayon kay Lacson, nagsagawa na rin siya ng paunang beripikasyon bago pa man pormal na ihain ang isang resolusyon sa Senado na mag-uutos sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang umano’y scheme na kinasasangkutan ng mga dating tauhan ng militar na sinasabing naghatid ng malalaking halaga ng pera sa matataas na opisyal ng gobyerno, diumano’y sa utos ng dating kongresista na si Elizaldy Co.

“We will evaluate first the source of information, which in this case are the 18 alleged Marine personnel who appeared at a press conference last Tuesday. Second is the reliability or credibility of the information itself, meaning the content of their affidavit,” ani Lacson, na siya ring chairman ng Blue Ribbon Committee.

Nitong Miyerkules, naghain si Sen. Imee Marcos ng Senate Resolution 317 na humihiling ng isang imbestigasyon in aid of legislation kaugnay ng umano’y money delivery scheme na kinasasangkutan ng mga dating militar. Inirefer ang resolusyon sa Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Lacson.

Si Atty. Levito Baligod, na nagharap sa mga umano’y dating Marines, ay naghayag din na sina Co at dating Senador Antonio Trillanes IV umano ang nagpondo sa hotel accommodations at iba pang gastusin ng mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) habang nasa Pilipinas ang mga ito.

Kinuwestiyon din ni Lacson ang iniulat na halagang P805 bilyon na diumano’y naihatid na cash. Aniya, mas mataas ito sa 70 porsiyento ng P1.13 trilyon na inilaan para sa flood control projects mula 2023 hanggang 2025. Dagdag niya, ang natitirang P325 bilyon sa kabuuang P1.13 trilyon ay tila hindi tugma sa mga kickback na naunang inamin na umano’y pinadali at natanggap ng mga personalidad tulad nina dating DPWH regional director Roberto Bernardo at district engineer Henry Alcantara, at lalo pang hindi tugma kung isasama ang aktuwal na gastos sa pagpapatupad ng mga proyekto sa loob ng tatlong taon.

“The numbers just don’t add up,” ani Lacson.

Binanggit din ni Lacson ang hamon sa pagdadala ng ganoong kalaking halaga na cash, at sinabing kakailanganin ng hindi bababa sa 13,416 na malalaking maleta na kayang maglaman ng P50 milyon hanggang P70 milyon bawat isa upang mailagay ang P805 bilyon.

“It’s mind-boggling. When we talk about large suitcases containing P50 to P70 million each, and we consider P805 billion, at least 13,400 large suitcases would be required — not counting smaller ones,” ani Lacson.

Kinuwestiyon din ni Lacson ang timing ng press conference ng mga umano’y dating Marines, na naganap sa bisperas ng ika-40 anibersaryo ng EDSA-1 revolt kung kailan inaasahang magkakaroon ng mga pagkilos laban sa katiwalian, at sa gitna ng ICC confirmation of charges hearings na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyong Duterte. Binanggit niya na ginanap ang press conference sa Club Filipino, isang lugar na kilala sa mga pangyayari kaugnay ng EDSA-1 noong 1986.

“Ang pino-project doon, napaka-corrupt ng ICC. Nilagyan ng $2M allegedly through former Sen. Trillanes,” ani Lacson.

Ayon kay Lacson, may “political color” ang isyu at posibleng may aspeto rin ng destabilization.