Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Adiong Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong

Paalala ng Kamara kay VP Duterte: Nasa tamang landas ang bansa tungo sa kaunlaran at katatagan

403 Views

NANINDIGAN ang dalawang lider ng Kamara de Representantes na nasa maayos at matatag na kalagayan ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., taliwas sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na mistulang gumuho na ang estado ng Pilipinas.

Ayon kina House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na siya ring namumuno sa House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation, dapat ay maging makatarungan at objective si VP Duterte sa kaniyang mga kritisismo, kahit pa taliwas ang kaniyang pananaw sa administrasyon.

Sa isang press conference, ipinagtanggol ng dalawang mambabatas ang ginagawang provincial visits ng Pangulo, gayundin ang mga larawan nito sa media kabilang na ang presensya niya sa pagsunog ng bilyon-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga kamakailan.

“Alam n’yo po, marami na pong mga indicators na ang ating bansa ay nasa tamang track. ‘Yung mga pictures naman na sinasabi… parte po ng public (at) transparency. Kaya nga meron tayong, sinasabi nating reporting to the public what has been accomplished,” ani Adiong.

“Apart from also showing data, mas maganda nga po na ang ating mga lider ay pumupunta sa bawat lugar at pinapakita not only the accomplishment but the dedication to which these programs, particular programs or projects are needed and are important to boost the economy and to project that there is stability in the country in how we serve our constituencies,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Adiong, hindi na siya nagulat sa mga puna ni Vice President Duterte. Ngunit giit niya, hindi dapat ito makaabala sa Pangulo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.

“The way I see it, any distraction, any kind of negative opinions will not deter this country and this current administration to pursue what they believe are priority agenda for this country’s moving forward,” ayon pa kay Adiong.

Hinimok ni Dionisio si VP Duterte na ipamalas ang pagiging isang responsableng pinuno sa pamamagitan ng pagiging makatarungan at makatuwiran sa kanyang mga pahayag.

“In my humble opinion, dapat kapag may iki-criticize ka, objective lang. It’s not a matter of kakampi mo o gusto mo, o ayaw mo ‘yung tao. Ang problema kasi kapag nagki-criticize ka, kapag kalaban ka, wala kang sasabihing mabuti e,” pahayag ni Dionisio.

Ayon sa mambabatas, nasa sitwasyon ngayon si Pangulong Marcos Jr. na anumang gawin ay patuloy na nakatatanggap ng batikos.

“Let’s be realistic, kapag ka walang nakitang picture, wala kang ginagawa, stubborn ka. Kapag may ginawa ka naman, ilabas mo sa press, photo-ops naman. Sa pula, sa puti, walang tama basta kalaban mo. Gano’n talaga ang pulitika,” ayon sa kongresista.

“But you know, we have to be mature enough as leaders of this nation to look beyond kung ayaw mo ba o kalaban mo sa pulitika o hindi ‘yung tao e. Pagki-criticize natin sa ibang leaders natin, it should be objective. Hindi ‘yung para lang magtapon ka ng putik,” dagdag pa ng kongresista.

Binigyang-diin din ni Dionisio na marunong ang sambayanang Pilipino na tukuyin kung sino ang totoong nagtatrabaho para sa bayan.

“I know the Filipino people are very smart. We know who is doing their job, kung sino ang nagtatrabaho at hindi, who is sacrificing for our nation at kung sino ang hindi. And these name-callings won’t hold water. So I do believe that, I hope that we could be mature enough as leaders of this nation to stop the politicking, to just be objective in criticizing our kapwa-lingkod bayan to the betterment of our country,” giit pa ni Dionisio.