Calendar
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at PNP Chief Gen. Nicolas Torre III
Police visibility program ni PBBM suportado sa Kamara
NANINDIGAN ang dalawang lider ng Kamara de Representantes na tama ang inilabas na kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na paigtigin ang presensya ng mga pulis sa mga komunidad.
Ginawa nina House Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, na siyang chair ng House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation, ang pahayag matapos sabihih ni Vice President Sara Duterte na “luma” at “hindi epektibo” ang naturang polisiya.
“I beg to differ. ‘Yung police visibility is always a deterrent for a crime. Seeing physically a police officer, a law enforcement in the streets is a very strong deterrent to criminals,” ayon kay Dionisio sa isang press conference noong Huwebes.
Dagdag pa niya, walang katotohanan ang alegasyon na pinapabayaan ng pamahalaan ang modernisasyon ng Philippine National Police (PNP) na kamakailan lamang ay kaniyang binisita ang Camp Crame at personal na nasaksihan ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa operasyon at pagpapatrolya ng kapulisan.
“Truth be told, we were there yesterday sa Crame. We met with our new PNP Chief Gen. [Nicolas] Torre. Pinakita niya sa amin ‘yung quick response ng ating kapulisan. Meron silang command center sa Crame na namo-monitor from Luzon to Mindanao,” saad ni Dionisio.
“Nakita namin do’n sa monitor na at a single notice na may tumawag, makikita na ‘yung foot patrol na nakikita sa vicinity no’ng pinangyayarihan ng crime. So it’s not true that walang ginagawang technological advancements. Parehong ginagawa, may technological advancements and at the same time nandidiyan pa rin ‘yung physical presence,” dagdag ng mambabatas.
Sumang-ayon naman si Adiong at iginiit na ang pangunahing layunin ng pulisya ay hindi lamang tumugon kundi pigilan ang krimen bago pa ito mangyari.
“Ako, naniniwala ako do’n sa sinabi ni PNP chief na they should be out there in the streets. Sabi nga, it’s a deterrent, tama po, police visibility is a deterrent na mangyayari ang mga krimen,” ayon kay Adiong.
“The word actually is—the catch word is—prevention. Hindi lang ‘yung actual investigation or running after criminals, but even to prevent a crime to even happen in the first place,” dagdag pa ng kongresista.
Binigyang-diin din ni Adiong na ang trabaho ng mga pulis ay hindi para sa clerical work kundi para maglingkod at pangalagaan ang seguridad ng pamayanan.
“The police should actually be out on the streets because the police are not just simply for clerical purposes… these are clerical jobs. In the first place, the police is to serve and protect. They should be out there para ma-prevent ‘yung mga nangyayaring krimen and to respond to the call of distress,” wika ni Adiong.
Pinuri rin ni Adiong ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng PNP gaya ng real-time monitoring at body cameras na konektado sa isang central system.
“In fact, meron na silang mga additional na gadgets… camera attached sa kanilang katawan na naka-link na siya automatic sa internet. So kung titingnan mo maski saan sila pumunta meron silang IT operation doon sa PNP. Real time nakikita ng headquarters. That’s an improvement,” wika ni Adiong.
Ayon sa kaniya, ang mga repormang ito ay hindi lamang para sa kahusayan kundi para na rin sa pagpapanatili ng propesyonalismo sa hanay ng kapulisan.
“When you talk about modernization, that’s one aspect that I guess we need to commend the current chief PNP for introducing. We also maintain ‘yung professionalism ng ating mga pulis kasi nakikita kung ano ‘yung trabaho nila, kung ano ‘yung ginagawa nila, papaano sila rumesponde,” pahayag pa ni Adiong.

