Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Libanan House Minority Leader Marcelino Libanan

Sagot ng House prosecution team: TUGON NI VP SARA WALANG BASEHAN

245 Views

HINILING ng House prosecution panel sa Senate impeachment court na ituloy na ang paglilitis, matapos nilang ihain nitong Biyernes ang kanilang opisyal na tugon sa inihaing answer ad cautelam ni Vice President Sara Duterte, na puno umano ng maling impormasyon at walang basehang argumento.

“The Filipino people have a fundamental right to witness this process unfold. No bloodbath is necessary. Let the trial begin,” ayon sa mga tagausig sa kanilang reply na nilagdaan ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino C. Libanan.

Binigyang-diin ng mga tagausig na “the severity of the charges leaves no room for technical evasion,” at nanawagan sa impeachment court na “reject respondent Duterte’s desire for a dismissal without trial.”

Isinumite ang reply nitong Biyernes sa Senado na nakaupo bilang impeachment court, kung saan hinarap ng House prosecution team ang bawat argumento ni Duterte, at tinawag ang kaniyang legal na estratehiya bilang malinaw na pagtatangkang i-delay o ipabasura ang mga proseso imbes na sagutin ang mga paratang.

“These Articles of Impeachment highlight respondent Duterte’s unfitness for public office,” sinabi ng mga tagausig, na iginiit na siya ay dapat litisin at papanagutin sa harap ng sambayanang Pilipino.

Mariing pinabulaanan ng dokumento ang paulit-ulit na pahayag ni Duterte na walang hurisdiksyon ang Senado dahil umano sa kakulangan ng tamang pagpapadala ng Articles of Impeachment.

Itinuro ng mga tagausig na si Duterte mismo ang umamin na natanggap niya ang articles at nakapagsumite siya ng kaniyang answer bilang tugon dito.

“It is rather strange for respondent Duterte to argue that the Honorable Impeachment Court did not have in its possession the Articles of Impeachment when she admitted having received the same,” giit nila.

Idinagdag pa nila na kahit inutos ng Senado na ibalik pansamantala sa Kamara ang articles, hindi nawala ang hurisdiksyon ng Senado at iginiit na ang resolusyon mismo ng Senado ang nagsabing ang kaso ay “not dismissed or terminated.”

Binigyang-diin ng mga tagausig na patuloy pa rin ang kapangyarihan ng Senado, gaya ng ipinakita sa pagpapalabas nito ng summons at transmission ng articles kay Duterte.

Tinanggihan din ng House panel ang pagsandig ni Duterte sa Senate Resolution No. 1013 na sinasabi niyang walang pormal na pagpresenta ng articles. Ayon sa mga tagausig, hindi kailanman in-adopt ang resolusyong ito at wala itong legal na bisa.

“It was merely a proposal during the 17th Congress,” anila.

Gayundin, ibinasura ng prosecution ang pagbanggit ni Duterte sa jurisprudence gaya ng Balag v. Senate, na ginagamit niya upang sabihing hindi continuing body ang Senado.

Inakusahan ng mga tagausig si Duterte na binago ang kahulugan ng desisyon ng Korte Suprema, at ipinaalala na malinaw sa ruling na continuing in nature ang Senado at maaaring ipagpatuloy ang non-legislative functions gaya ng impeachment trials kahit sa pagitan ng Congress transitions.

Tinutulan din ng House ang argumento ni Duterte na lumabag ang proceedings sa “one-year bar rule.”

Ipinaliwanag ng prosecution na ang verified complaint na pirmado ng one-third ng House members ay inihain noong Pebrero 5, 2025, at ito lamang ang complaint na “initiated” alinsunod sa Konstitusyon.

Bilang tugon sa alegasyon ni Duterte na hindi siya nabigyan ng due process, iginiit ng mga tagausig na dahil ang reklamo ay inihain sa ilalim ng Rule IV, ito ay itinuturing na agad na Articles of Impeachment at hindi na kailangang magkaroon ng committee hearings o partisipasyon ng respondent sa House level.

Ang paglilitis sa Senado ang tamang venue para sagutin ni Duterte ang mga paratang, anila.

Hinarap din nila ang pagtutol ni Duterte sa paggamit ng kaniyang mga live streamed na pahayag at panayam bilang ebidensiya.

Tinawag ng mga tagausig ang paggamit ni Duterte ng mga legal na prinsipyo bilang “selective and self-serving,” at itinuro na ginagamit din ni Duterte ang kaniyang mga panayam sa telebisyon upang ipagtanggol ang sarili.

“This selective and self-serving application of principles of law should not be countenanced,” sulat nila.

Inakusahan din si Duterte ng paulit-ulit na paggamit ng maling impormasyon, na ayon sa prosecution ay posibleng lumabag sa mga alituntunin ng propesyon para sa mga abogado.

“This clearly shows that respondent Duterte continues to perpetuate falsehoods, deception and injustice by resorting to mislead this Honorable Impeachment Court with inaccuracies and false contentions,” anila.

Iginiit ng mga tagausig na malinaw sa Konstitusyon na maaaring simulan ang impeachment ng isang Kongreso at litisin ito ng susunod.

“When the Senate sits as an impeachment court, it does not become functus officio, even if its composition changes,” ayon sa dokumento.

Binanggit nila ang mga nakaraang desisyon ng Korte Suprema na nagpapatunay sa continuing nature ng Senado sa parehong legislative at non-legislative na tungkulin.

Inulit nila na ang impeachment ay sui generis, na ibig sabihin ay hindi ito civil, criminal o administrative, kundi isang mekanismo upang tiyakin ang pananagutan ng mga opisyal sa publiko.

Ipinaalala nila sa Senado na “public officials must be held accountable for impeachable offenses” at dapat makita ito ng taumbayan sa isang bukas na paglilitis.

Sa huling bahagi ng dokumento, tinawag ng prosecution ang legal na estratehiya ni Duterte bilang isang anyo ng pag-iwas.

“It is obvious from a simple reading of the Answer Ad Cautelam—which relies on misleading claims and baseless procedural objections—that the only legal strategy of the defense is to have the case dismissed and avoid trial,” anila.

Hiniling nila sa Senado na maglabas ng hatol ng conviction, alisin si Duterte sa puwesto, at ipataw ang parusang perpetual disqualification mula sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno ng Republika ng Pilipinas.