Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Libanan1 House Minority Leader Marcelino Libanan

VP Sara umiiwas sa paglilitis, gustong mabasura ang kaso ng walang pagdinig — House prosec

327 Views

UMIIWAS umano si Vice President Sara Duterte sa paglilitis at nais nitong mabasura ang kaso ng walang ipinepresintang ebidensiya sa Senate impeachment court.

“It is obvious from a simple reading of the Answer Ad Cautelam—which relies on misleading claims and baseless procedural objections—that the only legal strategy of the defense is to have the case dismissed and avoid trial,” ayon sa House prosecutors sa kanilang isinumeteng reply na pirmado ni House Minority Leader Marcelino C. Libanan.

Isinumite ang reply bilang tugon sa answer ad cautelam ni Duterte, kung saan naglabas siya ng mga procedural objections at humiling sa Senado na ibasura ang impeachment case.

Sinabi ng House prosecution team na ang ganitong paraan ay nagpapakita ng kawalan ng kagustuhan ng Bise Presidente na harapin ang mabibigat na paratang laban sa kaniya, binigyang-diin na “no prayer for acquittal was sought—only a dismissal of the case.”

Ipinunto ng mga tagausig na hindi dapat pahintulutan ang kahilingang ito para sa dismissal dahil mismong ang Konstitusyon ang nagsasaad na kapag naipadala na ang Articles of Impeachment, “trial by the Senate shall forthwith proceed.”

Sinabi nilang ang bigat ng mga paratang—kabilang ang diumano’y pagpaplano ng mga pagpaslang, maling paggamit ng pondo ng bayan at pakikilahok sa katiwalian—ay nangangailangan ng isang ganap at malinaw na paglilitis.

“These Articles of Impeachment highlight respondent Duterte’s unfitness for public office,” ayon sa mga tagausig.

“The Honorable Impeachment Court should reject respondent Duterte’s desire for a dismissal without trial,” dagdag pa nila.

Sinabi rin nila na ang bigat ng mga alegasyon at ang interes ng publiko na nakataya “leave no room for technical evasion.”

Binigyang-diin ng mga tagausig na kung papayagan si Duterte na makaiwas sa paglilitis, ito ay sisira sa mga prinsipyo ng demokratikong pamahalaan at pananagutan sa publiko.

“A trial is not only warranted but necessary to reinforce justice… and affirm that no individual—regardless of rank or influence—stands above the law,” anila.

Tinuligsa rin sa reply ang paghahain ni Duterte ng halos kaparehong petisyon sa Korte Suprema, na tinawag nilang isang kaso ng forum-shopping.

“The Answer Ad Cautelam is a mere repetition of the allegations contained in respondent’s petition in the Supreme Court,” giit ng mga House prosecutor.

Nagbabala sila na ang estratehiya ni Duterte ay umaasa sa mas paborableng desisyon mula sa ibang korte, isang kilos na “must be denied on the ground of forum-shopping.”

Ang forum-shopping, ayon sa mga tagausig, ay isang paglabag sa batas na nagaganap kapag ang isang partido ay nagsasampa ng dalawa o higit pang kaso na may parehong isyu, sa pag-asang may isa sa mga ito na magbibigay ng paborableng desisyon.

Ipinunto sa reply na ang mismong teksto ng Konstitusyon “forecloses the filing of a motion to dismiss before the Honorable impeachment court.”

Ipinagdiinan nilang ang mga pahayag ni Duterte, kahit na ipinepresenta bilang affirmative defenses, ay katumbas ng isang ipinagbabawal na motion to dismiss at dapat itong agad na tanggihan.

Sa kanilang pangwakas na panalangin, hiniling ng House prosecution sa Senado na “render a judgment of conviction,” ideklara ang “removal from the Office of the Vice President” ni Duterte, at ipataw ang “perpetual disqualification from holding any public office in the Republic of the Philippines.”