Arjo

Sylvia dinenay hiwalayang Arjo-Maine: Sila pa rin naman

Vinia Vivar Nov 16, 2026
1 Views

Pinagpipiyestahan na naman sa social media ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde matapos mapansin ng ilang netizens na tila hindi na sila madalas nakikitang magkasama sa public appearances at family gatherings.

Dahil dito, nagsimulang magtanong ang ilang followers kung may problema ba sa kanilang relasyon o kung tuluyan na silang naghiwalay.

Isa rin sa mga napansin ng netizens ang umano’y hindi pagdalo ni Arjo sa birthday celebration ni Maine, gayundin ang pagiging madalang ng TV host-actress sa ilang special occasions ng pamilya Atayde.

Ngunit hanggang ngayon, wala namang kumpirmadong impormasyon na nagpapatunay na may problema ang kanilang pagsasama.

Sa latest episode ng kanyang online show, ibinahagi ni Ogie Diaz na nakatanggap siya ng mga tanong mula sa netizens tungkol sa estado ng relasyon nina Maine at Arjo.

“Tinatanong sa akin, sina Maine Mendoza at Arjo Atayde pa ba? Ewan ko ba, parang obligasyon yata ng mga showbiz couples na magpakita sila from time to time?

“Na once in a while, magpakita sila na magkasama sila to assure the people na kami pa rin. Parang assignment na ‘yan ng mga couples, no?” sey niya.

Bilang paglilinaw, sinabi ni Ogie na nakitang magkasama sina Maine at Arjo sa backstage ng musical na “Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical.”

Naroon ang mag-asawa bilang suporta sa bida nitong si Atasha Muhlach, na co-host ni Maine sa “Eat Bulaga!”

“Sila pa rin po naman,” pagkaklaro ni Ogie.

Aniya pa, kapag nakakausap niya ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ay sinasabi ng aktres sa kanya na “sila pa rin naman.”

Anyway, paulit-ulit na lang lumilitaw ang isyung hiwalay sina Arjo at Maine na kung bakit nga ayaw silang tantanan ng intrigang ito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mag-asawa tungkol sa pagbabalik ng isyung ito at bukas ang People’s Tonight para sa kanilang panig.

Ethan nag-sorry

Diretsahang humingi ng paumanhin ang first evictee ng “Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0” na si Ethan Benares sa housemate na si Gehlee Dangca, sa pamilya’t fans nito dahil sa kontrobersyal na “dinosaur” jokes na naging usap-usapan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa kaniyang first TV interview matapos lumabas ng PBB house, inamin ni Ethan na nakisabay siya sa mga biruan ng fellow male housemates kahit may mga pagkakataong hindi rin siya komportable sa mga nangyayari.

Ayon kay Ethan, may pagkakataon pa ngang kinausap niya ang boys at hiniling na itigil na ang kanilang mga biro dahil ayaw niyang maging uncomfortable ang girls.

Nilinaw ni Ethan na hindi niya intensyon na tratuhin si Gehlee bilang isang trophy o premyo na pinag-aagawan ng mga lalaki.

Dagdag pa niya, ang gusto lamang niya ay mas makilala si Gehlee bilang tao at maintindihan kung sino talaga ito, sa halip na maging bahagi ng competition para makuha ang atensiyon nito.

Inamin din ng dating housemate na malaki ang naging epekto ng pressure sa loob ng PBB house sa naging desisyon niya na makisabay sa mga biruan.

Noong panahong iyon, nominated na raw siya at natakot na baka muli siyang mapabilang sa nominees kapag hindi siya nakisama sa ibang housemates. Kaya naisip daw niyang sumabay na lamang sa jokes ng boys upang matanggap siya at maging bahagi ng kanilang grupo.

“Even when I felt uncomfortable, I would laugh, and that was my mistake,” pag-amin ni Ethan.

Dahil dito, sinabi niyang taos-puso siyang humihingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan at naapektuhan ng kanyang naging actions.

Nauna nang ipinaliwanag ni Raheel Bhyria sa Bahay ni Kuya na nagsimula ang salitang “dinosaur” nang magkomento si Winwyn Marquez na kamukha ni Calix Esguerra ang karakter na si Arlo mula sa animated film na “The Good Dinosaur.”

Hanggang sa naging term of endearment na ito sa pagitan ng male housemates kung saan may kanya-kanyang tinatawag na dinosaur bilang kanilang little brother sa loob ng bahay.

Ayon naman kay Anthony Constantino, naging bahagi ito ng kanilang bonding bilang magkakaibigan.

Si Raheel ang tumawag kay Calix bilang kanyang dinosaur, habang si Anthony naman ang naging parang kuya ni Ethan at si Robbie Jaworski naman ang kay Jeo Ong.

Pero later, naugnay ang inside joke sa umano’y rivalry nina Ethan, Calix at Jeo pagdating sa atensyon ni Gehlee, na naging dahilan upang pag-usapan ito ng viewers.

Samantala, hindi makakailang naging close sina Ethan at Gehlee habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Bago tuluyang ma-evict ang Kapuso housemate last Saturday, nagkaroon pa ang dalawa ng musical collaboration at nakagawa sila ng kantang “Lullaby.”