MTRCB

MTRCB tatalakayin mga hinaing ng manonood sa team ng ‘PBB Collab 3.0’

27 Views

MTRCB, pinag-aaralan ang mga reklamo laban sa ‘PBB  Collab 3.0’

Pinag-aaralan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ilang mga eksena at interaction sa mga episode ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” matapos matanggap ng  Ahensiya ang mahigit 100 na reklamo mula sa mga manonood.

Sabi ng Board, tatalakayin nito ang mga hinaing ng mga manonood sa isang pagpupulong kasama ang production team ng show.

Pinaalalahan ng MTRCB ang PBB management na mag-ingat at siguruhin na ang bawat episode ay tumatalima sa mga guideline para sa assigned age rating ng sikat na reality television show.