Rhian

Michelle naospital, BFF na si Rhian labis na nag-alala

Vinia Vivar Nov 15, 2026
40 Views

Isa sa mga labis na nag-aala sa pagkakaospital ni Michelle Dee ay ang BFF niyang si Rhian Ramos.

Kamakailan nga ay isinugod sa hospital ang beauty queen/actress na sumailalim sa emergency operation na appendectomy.

Kwento ni Rhian, papunta siya sa taping nang malaman niyang isinugod sa ospital ang matalik na kaibigan.

“We were very worried because it was so sudden. I was actually on my way to taping when I found out that she was on her way to the hospital,” tsika ng aktres sa isang recent TV interview.

Mabuti na lang daw at nabisita rin niya agad si Michelle.

“Sakto nagkaroon ako ng break so I got to visit her right away,” aniya.

Kasalukuyan na raw nagpapagaling si Michelle and wish niyang maka-recover agad ang kaibigan dahil sasabak ito sa madugong schedule.

“She’s on her road to recovery right now. Let’s just give her the time she needs to kind of rest because she’s about to have a hectic schedule,” aniya.

Isa si Michelle sa mga kandidata sa Miss Grand International All Stars na gaganapin ngayong Disyembre at nakatakda siyang bumiyahe patungong Thailand sa November 26 para sa nasabing kumpetisyon.

“I think we just need to make sure her health is good,” sey pa ni Rhian.