Calix Larawan: Pinoy Big Brother ABS-CBN/FB

Unang nagpaalam sa PBB: Ethan Banares, Calix Esguerra

43 Views

UNANG nagpaalam sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3.0 sina Ethan Benares ng Kapuso team at Calix Esguerra ng Kapamilya team matapos ang unang eviction night noong Sabado, Nobyembre 14, 2026.

Batay sa final tally ng public votes, nakakuha si Ethan ng 28.7 porsiyento, pinakamababa sa tatlong nominado ng Kapuso side. Si Nicole ang nakakuha ng 30.6 porsiyento, habang nanguna si Mikee sa 40.7 porsiyento.

Sa Kapamilya side naman, si Calix ang pinakahuling nakakuha ng 1.6 porsiyento ng boto. Nanguna si Nathan sa 54.6 porsiyento, habang nakakuha si Primo ng 43.8 porsiyento.

Dahil sa pinakamababang boto sa kani-kanilang grupo, sina Ethan at Calix ang unang housemates na tuluyang lumabas sa bahay ni Kuya sa season na ito.