Gatchalian Sen. Sherwin Gatchalian Larawan: Senator Win Gatchalian/FB

Gatchalian hinimok mas matibay na kooperasyon ng ASEAN

8 Views

HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na palalimin pa ang pagtutulungan sa ekonomiya para mapabilis ang paglago ng buong rehiyon.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa pagtanggap ng Senado sa mga pinuno ng bansa, ministro at dialogue partners na kasalukuyang dumadalo sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Ang Pilipinas ang chair at host nito ngayong 2026 at sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City gaganapin ang pangunahing pulong.

Sa gitna ng kawalang-katiyakan sa geopolitika at mga panlabas na dagok sa ekonomiya, walang iisang bansa ang kayang makamit nang mag-isa ang pangmatagalang kaunlaran.

“Deeper regional cooperation is no longer just a diplomatic aspiration; it is an economic imperative,” giit niya.

Kapag pinatibay ang economic partnership sa mga kasaping bansa ng ASEAN at sa dialogue partners, makapagbubukas ito ng bagong pamumuhunan at de-kalidad na trabaho na makatutulong sa mga ordinaryong Pilipino at kanilang pamilya.