Tulfo

ERWIN TULFO: ISA PANG FOREIGN COMPANY ANG NAGPAHAYAG NG KAGUSTUHANG MAGTAYO NG OIL REFINERY AT DEPOT SA BANSA

41 Views

SA isang liham na ipinadala kay Senate Committee on Energy Chairman Senador Erwin Tulfo ng Brightside Industries Group, LLC, isang kompanya mula Belgium na magtayo din ng oil refinery at depot sa Pilipinas na kahalintulad ng proposal ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) ng United Arab Emirates.

Ayon kay Sen. Tulfo, “mas maganda na mas maraming kompanya ang maglagay ng oil depot at refinery sa ating bansa kasi nakatitiyak tayo na hindi na tayo mauubusan ng suplay kung sakaling magkakagulo muli sa Middle East.”

“Pero ang Department of Energy (DOE) natin ang dapat na kausapin nila para sa pormal na negosasyon at kasunduan,” ani Tulfo.

Sa nasabing liham sinabi ng Brightside kay Tulfo na walang ilalabas na pera ang Pilipinas para sa pagpapatayo ng nasabing imbakan ng langis.

“I think very willing ang Belgian firm na ito na makipagkasundo agad sa DOE,” dagdag pa ng senador.

Aniya, “pero siyempre kailangang alamin din ni DOE Sec. Sharon Garin kung ano terms ng Brightside since no money out ang gobyerno natin dito.”

Tingin ni Tulfo tulad ng ADNOC, nais din ng Brightside na mag-imbak ng langis sa Pilipinas para maibenta sa ibang bansa sa Asya.