ASEAN

Pagkain, wellness station sinorpresa, ikinatuwa ng 49th ASEAN delegates

Jon-jon Reyes Nov 15, 2026
37 Views

ASEAN1ASEAN2ASEAN3NAKAKUHA ng interes mula sa mga lokal at dayuhang delegado ang mga pagkain, Philippine health and wellness station, beverage station at ang Philippine MSME hub sa ASEAN International Media Center (IMC).

Matatagpuan sa World Trade Center Metro Manila sa Pasay City, ang IMC ang nagsisilbing sentro ng operasyon ng media at internasyonal na broadcast hub para sa mga organisasyong pambalita na nag-uulat tungkol sa pagiging host ng Pilipinas sa ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na summit.

Pinahusay ng Department of Tourism (DOT) ang pasilidad upang mas mapalapit sa mga delegado ang kabuuang karanasan sa Pilipinas.

Binigyang-diin Tourism Secretary Dita Angara-Mathay na ginagamit ng inisyatibong ito ang ASEAN Summit bilang pagkakataon upang itaguyod ang Pilipinas sa mga mahahalagang miyembro ng internasyonal na komunidad.

“May dalawang malinaw na bilin sa amin ang Pangulo sa pagho-host natin ng ASEAN Summit. First, we must help ASEAN achieve substantive agreements and practical responses to the challenges confronting our region.

Second, the President wants us to use this opportunity to showcase the Philippines—our culture, heritage, destinations, products, and the hospitality of our people,” sabi ni Secretary Angara-Mathay.

Mula noong soft opening ng IMC, ang Philippine MSME Hub—na nagtatampok ng mga lokal na produkto mula sa mga micro, small, at medium enterprise sa buong bansa at nakapagtala ng benta na nagkakahalaga ng P914,522.

Matatagpuan din sa The Tent ang PHLPost station, na nag-alok ng mga libreng travel postcard at nakapagbigay ng mga serbisyong postal na nagkakahalaga ng P32,010.

Nakatulong din ang IMC upang pukawin ang interes sa mayamang kultura at pamana ng bansa, kung saan 65 delegado mula sa media ang nakilahok na sa mga libreng tour sa Museo del Galeon at Intramuros.

Patuloy ding nag-aalok ang IMC ng pasilip sa mga yaman ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga libreng tikim ng pagkaing rehiyonal, mga inumin, at tradisyonal na “hilot” massage.

Ang mga handog na ito ay madaling mapuntahan kasabay ng mga angkop na lugar para sa pagtatrabaho na inihanda ng Presidential Communications Office (PCO), kabilang ang mga broadcast studio, briefing room, media hall, recording booth, at iba pa.

“To our friends from around ASEAN and around the world, this place was built for you […] But what we also did here was to provide a window into our beautiful country,” sabi ni PCO Secretary Lino Cayetano.

Ang IMC ay mananatiling bukas hanggang Nobyembre 17 para sa mga lokal at internasyonal na media na nagko-cover ng mga high-level meeting ng 49th ASEAN.