Tulfo Sen. Erwin Tulfo Larawan: Erwin Tulfo/FB

Erwin Tulfo: Belgian firm nais magtayo ng oil refinery sa PH

9 Views

ISA pang dayuhang kompanya, ang Brightside Industries Group, LLC ng Belgium, ang gustong magtayo ng oil refinery at depot sa bansa, ayon kay Sen. Erwin Tulfo.

Sa liham na ipinadala kay Tulfo, sinabi ng Brightside na walang ilalabas na pera ang Pilipinas para sa pagpapatayo ng imbakan ng langis.

Kahalintulad ang alok na ito sa panukala ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) ng United Arab Emirates.

Tulad ng ADNOC, nais din ng Brightside na mag-imbak ng langis sa Pilipinas para ibenta sa ibang bansa sa Asya.

Noong Oktubre 29, pinangunahan ni Tulfo ang delegasyon ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa ADNOC sa Abu Dhabi hinggil sa planong oil storage hub. Wala pang nabubuong pormal na kasunduan dito.

“Mas maganda na mas maraming kompanya ang maglagay ng oil depot at refinery sa ating bansa kasi nakatitiyak tayo na hindi na tayo mauubusan ng suplay kung sakaling magkakagulo muli sa Middle East.”

Pero ang Department of Energy (DOE) natin ang dapat na kausapin nila para sa pormal na negosasyon at kasunduan.

“I think very willing ang Belgian firm na ito na makipagkasundo agad sa DOE,” sabi ni Tulfo.