MTRCB1 Larawan: MTRCB/FB

MTRCB, nag-iimbestiga sa mahigit 100 reklamo laban sa ‘PBB Collab 3.0’

74 Views

Pinag-aaralan na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mahigit 100 reklamong natanggap mula sa mga manonood kaugnay ng ilang eksena at interaksyon sa reality show na Pinoy Big Brother: Collab 3.0.

Sa pahayag nitong Nobyembre 12, sinabi ng ahensya na tatalakayin ang mga hinaing ng publiko sa isang pagpupulong kasama ang production team ng programa.

Nagpaalala rin ang MTRCB sa pamunuan ng PBB na tiyaking sumusunod ang bawat episode sa mga alituntunin batay sa itinakdang age rating ng palabas.

Patuloy na sinusuri ng ahensya ang mga reklamo upang matugunan ang mga concern ng manonood at matiyak ang pagsunod ng programa sa mga umiiral na patakaran sa telebisyon.