Calendar
Polisiya para iangat reading, math skills ng mga estudyante ina-adopt ng ASEAN
INA-ADOPT ng mga bansa sa Southeast Asia ang mga polisiya na layong ma-improve ang reading, mathematics at socio-emotional skills ng mga mag-aaral.
Ito ay sa pamamagitan ng ASEAN Declaration on Foundational Learning (ADFL) sa kasalukuyang 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Manila kung saan punong abala ang Pilipinas.
Sa ilalim ng declaration, obligado ang mga signatories na palakasin ang foundational learning ng mga mag-aaral at tiyaking may sapat na kaalaman sa early years of education pa lamang.
“The initiative recognizes the importance of literacy and numeracy in preparing young people for future employment and other opportunities. The declaration represents a shared regional commitment to providing young learners with the support they need to succeed,” pahayag ni Education Secretary Sonny Angara.
Unang nagmungkahi ang Pilipinas na ipatupad ang inisyatiba noong Pebrero 2026.
Sumailalim ito sa regional consultations bago nakakuha ng endorsement sa ginanap na 13th ASEAN Education Ministers Meeting sa Singapore noong Hulyo 22.
Nakakuha rin ng endorsements ang proposal sa 41st Senior Officials Committee for the ASEAN Socio-Cultural Community noong Nobyembre 4 at 36th ASCC Council Meeting noong Nobyembre 6.
Kasama sa ipatutupad ang ASEAN Academic Recovery and Catch-Up Program (ARC-UP) na sakop ng ASEAN Work Plan on Education 2026–2030.
