Calendar
Paalala ng mga solon kay VP Sara: Itinutuloy lang ni PBBM ang amnesty na sinimulan ni DU30
IPINAALALA ng isang kongresista kay Vice President Sara Duterte na ang amnesty proclamation na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay pagpapatuloy lamang ng programa na ipinatupad ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ginawa ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang pahayag sa pagdinig ng House committees on justice at on national defense and security bilang tugon sa sinabi ni VP Sara na kumukuwestyon sa amnesty proclamation na inilabas ni Pangulong Marcos.
“This is not an effort by President Bongbong Marcos. This is an effort made by former presidents, including [former] President Duterte, the father of the current vice president. This is the commitment of all presidents since President Cory Aquino,” ani Paduano.
“With due respect to all those political leaders, elected public officials opposing these proclamations of the present administration, they should check where they stand. Because as a congressman, as an elected public official, we are bound to comply with our commitment about peace agreements with all those rebel groups,” dagdag pa ni Paduano.
Sa naturang pagdinig, pinagtibay ng dalawang komite ang apat na proklamasyon na inilabas ni Pangulong Marcos upang patawarin ang pagsasala sa batas ng mga rebelde bunsod ng kanilang paniniwalang politikal.
Ang Proclamations 403, 404, 405, at 406 ay nagbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade, Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front, Moro Islamic Liberation Front, at Moro National Liberation Front.
Target ng Kamara na pagtibayin ang mga resolusyon bago ang Christmas break ng Kongreso sa susunod na linggo.
Binigyang-diin ni Paduano ang kahalagahan na mga proklamasyon para sa kapayapaan ng bansa.
“These four amnesty proclamations are just an implementation of the government commitments, and we as public servants should comply and support that commitment of this government…They are the product of the government’s program, which the government and all of us should support and commit to because that is the commitment and program of this government and the previous governments,” sabi ni Paduano.
“While I respect dissenting opinion in this country, I would just like to correct those elected, appointed, and career service officials of this government who are opposed to the President’s amnesty proclamations,” dagdag pa ng solon.
Ipinaalala ni Paduano kay VP Duterte na ang kanyang ama na si dating Pangulong Duterte ay naglabas din ng kaparehong proklamasyon.
“Unfortunately, the amnesty application was only good for one year,” dagdag pa ni Paduano.
Sinabi pa ng mambabatas na ang proklamasyon ay hindi lamang programa ng administrasyon kundi pangako ng mga nagdaang administrasyon mula noong panunungkulan ni dating Pangulong Cory Aquino.