Calendar
Paalala ng MRT-3, bomb threat may karampatang parusa
NAGPAALALA ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) na mayroong katapat na karampatang parusa ang bomb threat na nagdudulot ng pangamba sa publiko.
Ginawa ng MRT-3 ang paalala matapos na makatanggap ng bomb threat ang MRT-3 na napatunayan umanong hindi totoo.
“After thorough inspection by our security personnel in critical infrastructure of all transportation systems, particularly MRT-3 system, we have not detected any trace of any items that might constitute a threat to the traveling public,” sabi ng MRT-3 sa isang pahayag.
Patuloy naman umanong paiigtingin ang ipinatutupad na seguridad sa naturang railway system.
“We also enjoin the public to report to authorized agencies any suspicious activities that would potentially cause danger to the public,” sabi pa ng MRT-3. “We reiterate our appeal to the public to refrain from circulating and sharing unverified information online so as not to cause undue panic and confusion.”
Sa ilalim ng Presidential decree 1727, ang paggawa ng bomb threat o pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng bomb threat ay may kaakibat na parusang pagkakakulong na hanggang limang taon at multang hindi hihigit sa P40,000 o pareho depende sa desisyon ng korte.
Ang bomb threats ay pinarurusahan din sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020 o RA 11479 na may parusa na hanggang 12 taong pagkakakulong.