Calendar
Paalala ni VP Sara: Magserbisyo ng tapat sa bayan
IPINAALALA ni Vice President Sara Duterte sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng kanyang tanggapan na magserbisyo ng tapat sa bayan.
“Let us remember our duty to serve our country. Let us be bold to take initiatives that challenge the status quo for the benefit of our people. Let us embrace change while remaining steadfast in our commitment to upholding our strategic interests and priorities,” sabi ni Duterte sa mga lumahok sa Office of the Vice President 2023 Planning Conference and Team Building na ginawa sa Philippine Judicial Academy sa Tagaytay City.
Sinabi ni Duterte na ang planning conference ay isang pagkakataon upang balikan ang mga nagawa ng OVP sa nakaraang pitong buwan ng kanilang termino.
“Indeed, we will be facing unprecedented challenges, but we must be prepared for them. Our organization must keep pace with the evolving times,” ani Duterte. “Therefore, we must continue to innovate, adapt, and remain relevant. We must continue to exist with a noble and selfless purpose.”
Pinuri rin ni Duterte ang plano na palakasin ang mga satellite office kung saan makakukuha ng tulong ang publiko.
Ang OVP ay mayroong satellite office sa Bacolod, Surigao del Sur, Cebu, Davao, Tacloban, Dagupan, at Zamboanga.
“Coming from Mindanao, and of course marami sa atin dito ay galing sa probinsya, usually we just read about and sa ginagawa ng President and the Vice President. Nakasentro lagi sa National Capital Region. ‘Yung satellite offices natin ngayon that roll out our projects ay nararamdaman na ng mga tao. Nakakabenepisyo sila at ‘yon ang goal natin sa Office of the Vice President — na makatulong sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Duterte.
Nagpasalamat din si Duterte sa mga staff ng OVP.