Calendar

Pacquiao dinamayan sa ospital ang kapwa boksingero na si Jonathan “Sharp Ari” Peñalosa
DINAMAYAN ng tinaguriang “Boxing legend” na si Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang kaniyang kaibigan at kapwa boksingero na kasalukuyang may karamdaman na si Jonathan “Sharp Ari” Peñalosa matapos niya itong dalawin sa Bacolod City Riverside Hospital.
Si Peñalosa na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na colon cancer ay dating professional boxer at kabahagi ng Team Pacquiao noong mga panahong sumasagupa ang binansagang Pambansang Kamao sa mga malalaki nitong laban sa ibabaw ng boxing ring.
Paliwanag ni Pacquiao na hindi lamang bahagi ng Team Pacquiao si “Jonathan” (Peñalosa) kundi parte na ito ng kaniyang buhay kung saan magkasama silang nagsalo sa kaniyang tagumpay.
“Jonathan is not just part of my team. He’s part of my life. We’ve shared victories struggles and prayers together. Now. I’m here for him in this fight of his life,” wika ng dating Senador.
Sa kaniyang pagbisita, naghandog si Pacquiao ng panalangin at “words of encouragement” para kay Peñalosa na kapatid ng dati ring mga boksingero na sina Dodie Boy at Gerry Peñalosa.