Calendar

Pacquiao “I shall return” sa Senado para ipagpatuloy laban para sa mga mahihirap
TACLOBAN CITY — Katulad ng pamosong kataga ni General Douglas MacArthur na “I shall return”, ganito rin ang winika ni “Pambansang Kamao” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao kung saan sisikapin nitong makabalik ng Senado para ipagpatuloy ang kaniyang sariling laban.
Humugot ng inspirasyon si Pacquiao mula sa makasaysayang “Leyte landing” noong 1944 matapos ang pagbabalik ni Gen. MacArthur sa Pilipinas para ipagpatuloy nito ang pakikipag-laban sa malakas na puwersa ng mga Hapones.
Ito rin ang nais gawin ng dating senador para tuparin ang kaniyang mga pangako na ipagpatuloy ang kaniyang laban hindi sa loob ng boxing ring kundi sa loob ng Senado sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga programa para sa mga mahihirap na Pilipino.
Pagdidiin ni Pacquiao na ang kaniyang kandidatura ay hindi lamang para sa kaniyang pansariling kapakanan. Bagkos, para sa interes at kagalingan ng maraming mahihirap na Pilipino upang sila’y mapagsilbihan at mabigyan ng hustisya ang mga inaapi.
Sabi din ni Pacquiao na tulad ng naganap na “Leyte landing” matapos ipagpatuloy ni MacArthur ang pakikipaglaban, isang panibagong laban ang kasalukuyang kinakaharap ng mga Pilipino kaya dapat harapin ang bagong laban para sa pagbabago.
“Kung may Allied Forces noon. May Alyansa ngayon. Tulad ng Leyte landing, panahon na para sa isang panibagong laban. Laban para sa tunay na pagbabago at pagbangon ng bawat Pilipino,” ani Pacquiao.
To God be the Glory