Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Pacquiao1

Pacquiao nakikiisa sa panawagan para mapalakas price monitoring ng DA

Mar Rodriguez Apr 8, 2025
29 Views

NAKIKIISA si Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao sa panawagan upang mas lalong mapalakas ang “price monitoring system” ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong matiyak na mababantayan ang presyo ng mga bilihin.

Para kay Pacquiao, kinakailangang akma sa datos ng Agriculture Department ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan na ang ibig sabihin aniya ay dapat tugma sa datos ng DA ang nakasaad na presyo batay sa isasagawang monitoring.

Pagdidiin ng dating senador na alinsunod sa mga ginawang monitoring ng DA sa mga pamilihan, may mga pagkakataon na hindi akma ang presyo sa datos ng nasabing ahensiya kaya maraming mamimili ang umaangal sa mataas na presyo ng gulay at iba pang produktong agrikultura.

Inihalimbawa ni Pacquiao na batay sa datos ng DA may ilang produktong agrikultura ang masyadong mataas ang presyo katulad ng itlog ng manok na large kung saan umaabot ang presyo nito ng P11 kada piraso sa ilang palengke. Habang sa monitoring ng DA ay nasa P8 hanggang P9 lamang ang presyo nito.

Dahil dito, sabi pa ni Pacquiao na sang-ayon siya na kailangang lalo pang palakasin ang price monitoring ng DA upang matiyak talaga ang galawan ng presyo sa mga pamilihan at masupil din ang ilang abusadong manininda na nananamantala ng mga mamimili.