Calendar

Pacquiao umaasa na naging matalino ang mga Pinoy sa pagpili ng mga magiging lider ng bansa
KIAMBA, SARANGANI – Optimistiko si “Pambansang Kamao” at dating Senator Manny “Pacman” Pacquiao na naging matalino ang mga Pilipino sa kanilang pagboto sa nakalipas na halalan sa ating bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng mga Pilipino ng mga karapat-dapat at kuwalipikadong kandidato na mamumuno sa pamahalaan at maghahatid naman ng positibong pagbabago sa ating bansa.
Pagbibigay diin ni Pacquiao na ang bawat botong ibinigay ng mga Pilipino para sa mga napili nilang kandidato ang siyang huhubog sa kinabukasan ng ating bansa. Kaya mahalaga na ang napili nilang mga lider ay tunay na maglilingkod at may sinseridad.
“Every Filipino’s vote holds power to shape our future. Let us choose leaders who will serve with sincerity and bring lasting change to our country,” ani Pacquiao.