Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Cabrera: Posibleng nadoble bilang sa kita ni VP Sara
Oct 12, 2026
Calendar
Ang nakahandusay na biktimang namatay matapos maatrasan ng Toyota Fortuner sa A. Francisco St. at Pasig Line sa Sta. Ana, Manila.
JONJON C. REYES
Nation
Tulog na kelot naatrasan ng Fortuner, byaheng langit
Jon-jon Reyes
Jun 3, 2025
374
Views
TIGOK ang lalaking natutulog matapos masagasaan ng Toyota Fortuner na humarurot paatras sa A. Francisco St. corner Pasig Line, Sta. Ana. Manila noong Lunes.
Kinilala ang biktima na si alyas Ambet, 40 hanggang 45-anyos, at si alyas Robert, 71, ang driver ng Fortuner.
Ayon kay Police Major Jaime Gonzales Jr., officer-in-charge ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-7:05 ng umaga naganap ang insidente.
Base kay P/Cpl. Rustom Arcyll De Guzman, imbestigador ng kaso, nagmaniobra paatras ang driver ng Fortuner ng biglang bumilis at nasagasaan ang natutulog na biktima.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang driver ng Fortuner.
Cabrera: Posibleng nadoble bilang sa kita ni VP Sara
Oct 12, 2026
VP Sara 20% lang na ari-arian idineklara
Oct 12, 2026
Paggamit ng ‘umano’ ng defense sa hearing tinutulan
Oct 12, 2026

