Hot News

Padilla maaaring ‘person of interest’ sa pagkawala ni Bato sa Senado

Jon-jon Reyes May 15, 2026
46 Views

MatibagKINUMPIRMA ni NBI Director Melvin Matibag ngayong Biyernes na kinukunsidera si Senator Robinhood Padilla bilang “person of interest” sa pagkawala ni ICC-wanted Senator Ronald dela Rosa sa Senado madaling araw noong Huwebes.

Sa isang interview, sinabi ni Matibag na dapat sagutin nina Padilla, Office of the Senate Sergeant-at-Arms head Mao Aplasca, at Senate President Alan Peter Cayetano ang “pagkawala” ni dela Rosa sa Senado sa kabila ng kanilang protective custody.

Kinumpirma ni Cayetano na si Dela Rosa, kasama si Padilla, ay umalis sa Senado bandang alas-2:30 ng madaling araw noong Huwebes, ilang oras matapos ang putukan ng baril.

“To a certain extent as to the disappearance of Sen. Bato, sila talaga yung persons of interest. Pero kung i-pursue yung investigating, we’re not yet on that level,” ani Matibag.

Nilinaw din ni Matibag na ang ibig sabihin lang ng “persons of interest” ay “dapat sila ang unang sumagot kapag tinanong natin kung nasaan si Sen. Bato dela Rosa.” paglilinaw ni Matibag

“Nangako sila ng protective custody kay Sen. Bato kaya hindi natuloy ang pag-aresto kasi ginagalang natin. Pero pag sinabi mong under your custody, you are responsible…mag present sa tao na yan,” dagdag ni Matibag.

Si Dela Rosa ay lumutang sa Senado matapos ang pagkawala ng anim na buwan upang lumahok sa pagboto sa Senate President kung saan si Senator Allan Peter Cayetano ang nahalal.