EJK

Pag-aresto kay FPRRD ‘moral victory’ sa mga babaeng inulila ng war on drugs

42 Views

Maituturing na isang moral victory para sa mga ina, asawa at mga anak na nawalan ng mga mahal sa buhay sa madugong giyera kontra iligal na droga ang pagkaka aresto ni dating Pang. Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kinakaharap nitong crimes agains humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, isa itong maigting na mensahe ngayong Women’s Month na walang lugar ang impunity sa isang bansa na kumikilala sa rule of law.

“I think this is also a moral victory for women, especially for those mothers, for those wives, for those daughters who have lost a loved one because people have decided to ignore the rule of law,” sabi ni Roman.

Giit niya wala nang makahihigit sa sakit na mararamdaman ng isang ina na mawawalan ng anak lalo na sa gitna ng kampanya kung saan libong Piipino ang nasawi nang walang due process.

“Lahat ng kanyang pangarap, lahat ng ‘yung buhay na kinitil, ang kinabukasan ng batang nawawala, ng kanyang anak. Maaring i-argue ng ibang tao na mga drug addict naman ‘yan, how sure are you?” tanong niya.

Punto ni Roman, mayroon sistemang pang-hustisya upang maiwasang ang mga inonsenteng indibidwal mula sa kawalan ng due process.

“Wala namang akusado ang guilty until proven guilty. They’re all presumed innocent. And these people will deny due process. Kaya nga lagi naming pinagpipilitan at lagi naming dinidiin na mahalaga ang rule of law,” diin niya.

Inaresto ang dating Pangulong matapos makabaik sa pilipinas mula Hong Kong Kung saan siya sinalubong nng warrante of arrest na inilabas ng ICC kaugnay sa aniyang papel sa pagkakaroon ng extrajudicial killings nang ipatupad ng kaniyang admnsitrasyon ang giyera kontra iligal na droga.

Sabi ni Roman, maraming mga Pilipino ang sumuporta noong una sa rug war ngunit naisiwalat din akalunan ang pagiging madugo at iligal nito.

“Maybe this is borne out of frustration dahil marami siguro nabibiktima rin ng mga drug addicts. But that said, dapat din nating malaman na meron namang pamamaraan na sang-ayon sa batas na maaaring gawin upang labanan ang droga,” sabi ng lady solon.

Diin niya na ang paglabag sa batas para lang sa pagnanais na mapuksa ang iligal na droga ay hindi sapat na katwiran.

“Di naman pwedeng you totally ignore our existing laws, the judicial process, just so you can obtain your goals. The end does not justify the means. And palagay ko napapatunayan naman natin yan ngayon,” dagdag pa nito.

Nagbabala din si Roman sa paggamit sa mga alagad ng batas bilang mga private army.

“When you turn the police force into just a, I don’t know, guns for hire, nakakainsulto ‘yan sa dangal ng mga pulis. Alam nyo mataas ang tingin natin sa ating kapulisan,” sabi niya.

Hinimok naman niya ang publiko na manatiling mapagbantay at siguruhin na wala nang lider ang aabuso sa kapangyarihan sa pagkukunwari na ito ay paglaban sa krimen.

“We cannot turn our police force into a private army that will carry out orders that are obviously violations of our existing laws,” saad pa ni Roman.