Vargas

Pag-institutionalize sa Kadiwa ni Ani at Kita program iminungkahi

Mar Rodriguez Oct 3, 2023
184 Views

ISINUSULONG ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Congressman Partick Michael “PM” D. Vargas ang pag-institutionalize sa programang “Kadiwa Ni at Kita” stores sa mga barangay level kasunod ng pagkakaloob ng magandang oportunidad para sa mga local farmers.

Ipinaliwanag ni Vargas na napatunayan na napaka-epektibo ng Kadiwa stores upang suportahan ang mga lokal na magsasaka at matulungan naman ang publiko na makabili ng mas murang mga bilihin o basic commodities kumpara sa mga regular na pamilihan na napakataas ng presyo nito.

Sinabi din ni Vargas na ang permanenteng pagtatatag ng mga Kadiwa stores ay maituturing na isang “win-win solution” sa level ng mga barangay upang mas lalo pang makaabot ito sa mga local suppliers at consumers.

“We have witnessed hose these Kadiwa stores effectively help the public by basic commodities at lower prices compared to those being sold in the regular markets. The idea of having these stores permanently is a win-win solution to local suppliers and consumers,” ayon kay Vargas.

Naniniwala din ang kongresista na bukod sa natutugunan ng mga Kadiwa stores ang problema ng bansa sa food security. Nakakatulong din aniya ang programang ito para masolusyunan ang problema patungkol naman sa unemployment o kawalan ng trabaho dahil makakalikha ng maraming trabaho ang mga Kadiwa stores.

“We intend to bring these rolling stores in respective communities to further lessen the expenses shouldered by the consuming public. Instead of spending for transportation cost. They could use the amount for more food items for the family,” paliwanag pa ni Vargas.

Binigyang diin naman ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na malaki ang naitutulong ng mga Kadiwa stores para unti-unting solusyunan ang problema ng bansa kaugnay sa kagutuman at kahirapan o poverty.