PCG

Pag-rescue ng PCG sa lumubog na barko sa Romblon ipinagbunyi

Mar Rodriguez Aug 7, 2023
306 Views

PINAPURIHAN ng Vice-Chairman ng House Committee on Transportation na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa matagumpay na pag-responde nito matapos lumubog ang MBCA “KING STO. NINO” 7 sa karagatan ng Romblon.

Nauna rito, iniulat ng PCG na ang nasabing barko ay naglayag mula sa Calatrava Port patungo naman sa Corcuera Port na may sakay na 90 pasahero. Kung saan, habang naglalayag ang MBCA patungo sa Munisipalidad ng San Vicente, Northern Samar ay nasagupa naman nito ang malalaking alon.

Dahil dito, pinapurihan at pinasalamatan ni Congressman Madrona ang matagumpay na pagkakaligtas ng PCG sa mga pasahero ng MBCA.

Sinabi ni Madrona na ipinapakita lamang aniya ng PCG na maasahan sila sa panahon na nasa mahigpit na pangangailangan ang isang lumubog na barko katulad ng sinapit ng mga pasahero at crew ng MBCA “KING STO. NINO” 7.

Kasabay nito, inihayag naman ng Department of Budget and Management (DBM) na inaprubahan na nila ang recruitment ng nasa 4,000 uniformed personnel para sa hanay ng PCG para sa kasalukuyang fiscal year.

Pag-rescue ng PCG sa lumubog na barko sa Romblon ipinagbunyi