Martin

Pag-upo ni Romualdez bilang Speaker kasado na dahil sa pag-endorso ng Lakas-CMD

Mar Rodriguez May 24, 2022
230 Views

KASADONG-KASADO na at wala nang maaaring makapigil sa pagluluklok kay House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez bilang House Speaker sa ilalim ng 19th Congress matapos ang pormal na pag-eendorso sa kaniya ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) bilang susunod na lider ng Kamara.

Mas pinalaki pa ng Lakas-CMD ang lumulobong suporta ng mga mambabatas kay Romualdez bilang susunod na Speaker of the House. Matapos ang ginawa nitong pag-eendorso sa nasabing Majority Leader na nagpadagdag sa umiigting na suporta para kay Romualdez.

Sa pamamagitan ng isang Resolution (Resolution No. 05 Series of 2022) na inaprubahan ng Executive Committee (Execom) ng Lakas-CMD. Nagkakaisa ang mga miyembro nito na suportahan si Romualdez bilang susunod na House Speaker.

Pinangunahan naman nina Davao City Mayor at presumptive Vice-President Inday Sara Duterte at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang paglalagda sa nasabing resolusyon na nag-eendorso kay Romualdez bilang Speaker of the House.

Nakasaad sa Resolution ang buong suporta ng mga miyembro nito para kay Romualdez: “With the conclusion of the May 9, 2022 National and Local elections, there is a need to set aside politics and work together for economic recovery brought on by the COVID-19 Pandemic”.

Binigyang diin ng Lakas-CMD na upang magkaroon ng epektibong pamamahala sa Kamara de Representantes sa pamamagitan ng pagpasa ng mga mahahalang panukalang batas. Kinakailangan umanong magkaroon ng mahusay na lider ang Kongreso sa katauhan ni Romualdez.

“In order to be an affective partner in passing much needed legislation. The House of Representatives must be under the leadership of a strong leader. Lakas-CMD believes that is President. Ferdinand Martin G. Romualdez, can lead the House of Representatives into being an effective partner of the incoming Marcos administration,” nakalagay pa sa Resolution ng Lakas-CMD.