Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Pag-veto sa pagiging Pinoy ng Chinese businessman ikinatuwa ni Sen. Risa

27 Views

TINANGGAP ni Sen. Risa Hontiveros ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang panukalang batas na layong gawing Pilipino si Li Duan Wan dahil sa mga isyung may kinalaman sa pambansang interes at seguridad.

Sinabi ni Hontiveros na ang veto kinakailangan at dapat lamang upang mapanatili ang dignidad ng pagiging mamamayang Pilipino.

Matatandaang una nang tinutulan ng senadora ang naturang panukala at inilahad ang mga impormasyon ukol kay Wang na tinawag niyang “deeply alarming.”

Ayon sa kaniya, si Wang natuklasan na maraming taxpayer identification numbers at may kaugnayan umano sa mga ilegal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Bukod pa rito, tinukoy din ni Hontiveros ang umano’y ugnayan ni Wang sa isang grupong may koneksyon sa Chinese Communist Party.

“These are not small issues or minor technicalities. Rewarding Wang with Filipino citizenship, despite these red flags, would have sent the wrong message and set a dangerous precedent,” sabi ng senador.

Kinilala ng Deputy Minority Leader ang veto bilang hakbang para ipaglaban ang pambansang interes.

Ang panukalang batas, kung naisabatas, sana’y nagkaloob kay Wang ng pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ng congressional fiat, isang proseso na nilalampasan ang karaniwang judicial naturalization.

Hindi isiniwalat sa publiko kung ano ang batayan ng kanyang kwalipikasyon sa nasabing espesyal na proseso.

Wala pang opisyal na pahayag si Wang o ang kaniyang mga kinatawan kaugnay ng veto.

Nananatiling tahimik ang mga mambabatas na sumuporta sa pagbibigay ng citizenship kay Wang na tahasan naman na kinontra ni Hontiveros na sinuportahan ng Malakanyang.