Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Photo source: DOST-PAGASA
Nation
PAGASA minomonitor LPA na posibleng maging super typhoon
Melnie Ragasa Jimena
Apr 8, 2026
435
Views
PATULOY na mino-monitor ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa Central Pacific na may posibilidad na lumakas bilang bagyo o maging super typhoon.
Sa latest bulletin ng ahensya nasa higit 3,000 kilometro pa ang layo nito sa Philippine area of responsibility (PAR) kaya wala pa itong direktang epekto sa bansa ngayong weekend.
Inaasahan umanong magiging tropical depression ito sa loob ng 24 oras at papangalanang “Caloy” oras na makapasok sa PAR.
Gayunman, maaari pa itong magbago ng direksiyon o umiwas, ngunit may tsansang magdala ng sama ng panahon sa Northern Luzon sa susunod na linggo.
Sa pinakamasamang sitwasyon, posibleng lumapit ito sa kalupaan bandang Biyernes hanggang weekend ng susunod na linggo.

