Pagbabago sa panukalang 2023 budget posibleng baguhin para makatugon sa pinsala ng bagyong Paeng

166 Views

NANAWAGAN ng isang komprehensibong damage assessment si Speaker Martin G. Romualdez kaugnay ng pinaslang naidulot ng bagyong Paeng sa malaking bahagi ng bansa.

Mula sa assessment na ito, sinabi ni Romualdez na maaaring magpanukala ang Kamara de Representantes ng pagbabago sa 2023 national budget para matugunan ng gobyerno ang pangangailangan sa iba’t ibang lugar.

“Asahan po ninyo na gagawin namin ang lahat para makabangon muli ang ang mga kababayan natin mula sa panibagong hamong ito na hinaharap natin ngayon,” sabi ni Romualdez.

Inatasan ni Romualdez ang House Appropriations Committee sa pamumuno ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co na tipunin ang damage assessment na makakalap nito mula sa mga miyembro ng Kamara at mga ahensya ng executive department upang matukoy ang mga dapat mabigyan ng prayoridad na mapondohan sa 2023 national budget.

“The House of Representatives will also use its power over the purse to see to it that rehabilitation of affected communities will proceed unhampered as soon as the relief stage is completed,” dagdag pa ni Romualdez.

Naaprubahan na ng Kamara ang panukalang budget sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre at nakabinbin ito ngayon sa Senado.