Zacate

Pagbebenta ng COVID-19 vaccine sa publiko pag-aaralan

205 Views
BUMUO ng task force ang Food and Drug Administration (FDA) upang pag-aralan kung maaari ng payagan ang pagbebenta ng COVID-19 vaccine sa publiko.
Ayon kay FDA Director General Dr. Samuel Zacate kung maibebenta na ang bakuna ay mas maraming Pilipino ang maaaring makapagpabakuna nito.
Ang Taskforce Edward, ipinangalan sa British physician Dr. Edward Jenner ay magrerekomenda ng mga hakbang kung papaano mapabibilis ang approval at evaluation sa mga COVID-19 vaccine.
Sa kasalukuyan ay ipinagbabawal ang pagbebenta ng COVID-19 sa publiko. Maaari lamang itong mabili sa ibang bansa kung mayroong pahintulot ang gobyerno dahil nagagamit lamang ito sa bisa ng emergency use authorizations (EUA).
Kung irerekomenda ng task force, maaari ng bigyan ng Certificate of Product Registration (CPR) ang mga bakuna na kailangan para makapagbenta na nito ang mga FDA-licensed drug establishments.