Catalan DepEd chief accountant Ma. Rhunna Catalan

Pagbibigay ng ‘cash allowance’ ni VP Sara sa mga opisyal ng DepEd binatikos

40 Views
YG
KAMARA – Si Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre (2nd from left) sa press conference sa Kamara de Representantes umaga ng Miyerkules, kung saan tinalakay ang posible umanong liability ni Bise Presidente Sara Duterte, bunsod ng mga testimoniya sa pagdining ng House committee on good government and public accountability, na malversation at breach of public trust. Kasama niya sina (form left) Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon, Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan at Lanao Del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong.
Kuha ni VER NOVENO

BINATIKOS ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang ginawa ni Vice President Sara Duterte na bigyan ng envelope na may lamang pera ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) noong siya pa ang Education Secretary.

Ginawa ni Acidre ang pahayag matapos aminin ni Ma. Rhunna Catalan, ang chief accountant ng DepEd, sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability noong Martes, na nakatanggap din ito ng mga sobre na may lamang tig-P25,000.

Ang ibinigay na pera, ayon kay Acidre, ay pinalabas umanong allowance mula sa Bise Presidente na isang paglabag sa ipinatutupad na “no gift policy” ng ahensya.

“In public service, policies like the ‘no gift policy’ are meant to uphold integrity, accountability, and transparency. However, when leadership’s actions contradict these principles, it sends a damaging message. While VP Duterte’s directive to enforce this policy was commendable, the revelation of cash gifts given without oversight raises serious questions about both consistency and ethical standards,” ani Acidre.

Ikinabahala rin ni Acidre ang naging salaysay ni Catalan sa komite tungkol sa mga hindi pagkakatugma sa mga patakaran at aksyon ng mga opisyal ng DepEd sa kalakaran kaugnay ng paggamit ng pampublikong pondo.

“Such actions, if allowed to persist, create confusion among personnel and lead to skepticism about the sincerity of established policies. Trust is crucial for unity and effectiveness within any department. The stark inconsistency between what is preached and what is practiced undermines not only the policy itself but also the credibility of leadership,” ayon pa sa mambabatas.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga kasanayan sa pananalapi ng DepEd noong pinamumunuan pa ito ni Duterte, iginiit ni Acidre ang kahalagahan ng pananagutan sa paggamit sa pondo ng bayan.

“Public funds belong to the public, and as stewards of these resources, DepEd’s leaders must be above reproach. Congress will persist in seeking answers because ethical governance is not a courtesy—it’s an obligation,” saad ng mambabatas.