Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Nation
Pagbitiw ng mga sundalo ng AFP, hindi totoo
Peoples Taliba Editor
Mar 14, 2025
86
Views
PINASINUNGALINGAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumakalat na balitang may mga sundalong nagbitiw sa puwesto bilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang pagkakadakip kamakailan.
Sa paglilinaw ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hindi beripikado ang mga ulat ng pagbibitiw ng kanilang mga sundalo, kaya’t hinihikayat niya ang publiko na huwag basta-basta maniwala o magpakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon.
Dagdag pa niya, nananatiling propesyonal, buo at walang kinikilingan ang AFP pagdating sa mga isyung pampulitika.
Binibigyang-diin niya na nakatuon ang AFP sa kanilang tungkulin na ipagtanggol ang bayan at sundin ang batas.
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Taumbayan tagumpay sa pagpasa ng RA 12179
May 9, 2025