Pic1 Pinangunahan ni PAGCOR Chairman Alejandro H. Tengco ang pormal na turnover ng 10 ambulansya noong Hunyo 26, 2025, kasama ang mga opisyal mula sa siyam na LGU at Mariano Marcos State University.

PAGCOR nagkaloob ng P20M ambulansiya sa 9 LGUs

304 Views
Pic2
Ipinagkaloob nina PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Group Ramon Stephen Villaflor (ikalawa mula kaliwa) at Assistant Vice President for Community Relations and Services Eric Balcos (pinakakaliwa) ang ceremonial key ng sasakyan kay Cabagan, Isabela Mayor Atty. Christopher A. Mamauag (ikatlo mula kaliwa).
Pic3
Kumpleto sa GPS navigation system, ambulance stretcher na may restraining system, medical oxygen, wheelchair, at first aid kit ang bawat patient transport vehicle na ipinamahagi ng PAGCOR.

NAGKALOOB ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mga Patient Transport Vehicles (PTVs) na nagkakahalaga ng ₱20 milyon sa siyam na local government units (LGUs) at isang state university bilang tulong sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, partikular sa mga lugar na malalayo sa mga pagamutan.

Sa turnover ceremony na ginanap nitong Huwebes, Hunyo 26, sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City, anim na PTV units ang ibinigay sa mga bayan ng Palanan, Quezon, San Isidro, Cabagan, San Mariano, at San Pablo sa Isabela.

Ang natitirang mga ambulansya ay ipinamahagi sa Lungsod ng Parañaque; mga bayan ng Tanauan sa Batangas at Balabac sa Palawan; at sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos Norte.

Kumpleto ang bawat PTV sa GPS navigation system, ambulance stretcher, medical oxygen, wheelchair, at first aid kit para masigurong maayos at mabilis ang pagresponde sa mga emergency.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, bahagi ito ng patuloy na suporta ng ahensya sa mga LGU at institusyon pagdating sa serbisyong medikal.

“We want to ensure that even remote areas have the means to respond to medical emergencies. This is part of PAGCOR’s commitment to reach communities that need government support the most,” ani G. Tengco.

“‘Yan po ang hangad ng PAGCOR; salamat sa pagkakataong makatulong at makapaglingkod sa inyo,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman si Cabagan, Isabela Mayor Christopher A. Mamauag at sinabing malaking ginhawa ang PTV, lalo na’t inaabot ng ilang oras ang biyahe patungong tertiary hospital mula sa kanilang bayan.

“Kami po ay nagpapasalamat kay President Ferdinand Marcos Jr. at sa PAGCOR, sa pamumuno ni Chairman Alejandro Tengco, sa pagpapaunlak sa aming kahilingan na magkaroon ng Patient Transport Vehicle para sa aming mga kababayan sa bayan ng Cabagan,” ani Mamauag.

“Malaking tulong po ito at gagamitin namin ito nang wasto,” dagdag niya.