Suan

Pagdiskaril sa mga ebidensiya, testigo pinangangambahan ng House prosecution team

Mar Rodriguez Jun 3, 2026
42 Views

PINANGANGAMBAHAN ng House prosecution panel na idiskaril ang mga ebidensiya at tatayong testigo sa nakatakdang Senate impeachment trial bilang taktika para mabasura ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.

Isa sa tinitingnan ng House Prosecution team, bilang worts case scenario, ayon kay House prosecutor – Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan G. Suan, ay ang pagkabigo na maipresenta ng maayos ang mga ebidensiya at testigo laban kay Duterte.

Gayunman, umaasa si Suan na sana ay hindi naman mangyari ang kinatatakutan nila at sa halip ay maayos na mailatag ang lahat ng mga ebidensiya at maiharap ang lahat ng testigo na magpapatibay sa kasong inisampa laban sa Pangalawang Pangulo.

“Possibly, yung hindi kami makapag-present ng mga evidence properly. And I hope na sana, I hope it won’t happen. Pero yung mga ganoong scenario, yung admissibly ng evidence, yung relevance ng mga evidence. Ito yung worst scenario na kinanatakutan namin, pero sana nga huwag mangyari,” sabi ni Suan.

Sa kabila ng mga pangamba kaugnay sa kasalukuyang komposisyon ng Senate Majority sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano. Naniniwala si Suan na gagampanan ng mga Senator-Judges ang kanilang tungkulin sa impeachment trial.

“I think that or I believe na the Senate will rise up to the challenge, they will do their duty na alam nila yung responsibility nila, yung mamamayang Pilipino kasi eh’ nanonood kaya dapat lang na maging patas sila sa kanilang tungkulin,” ayon kay Suan.