Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Mayor Honey

Paghamak sa kongresista pinalagan ni Mayar Honey

Edd Reyes Apr 10, 2025
21 Views

PUMALAG si Manila Mayor Honey Lacuna sa pagtawag kay Manila 3rd district Congressman Joel Chua ng Asenso Manileño na “chuahuahua” dahil paghamak ito sa kongresista.

Binanggit ng alkalde na sa partido nilang Asenso Manileño, may mataas silang paggalang sa bawat botanteng Manileño na pawang mabubuting mga tao.

“Hindi po kami doble-kara. Hindi kami gagaya sa desperadong taktika ng paggamit ng kabastusan at pambabastos sa kampanya para lang palakpakan ng madla. Dati’y matatamis na salita ang gamit nila, pero ngayon, mas malansa pa sa mabahong isda ang mga lumalabas sa bibig nila,” pahayag ni Mayor Lacuna.

Sabi pa ng alkalde, may paggalang ang Asenso Manileño sa lahat ng kasarian, babae man o lalaki at maging sa mga miyembro ng LGBTQIA+.

Tiniyak ni Mayor Lacuna na ginagarantiyahan niya na ang Asenso Manileño hindi naninirang-puri at hindi kailanman maninirang-puri.

“Sa kampanya ang pagsasabi ng totoo na may kaakibat na ebidensya at lohika at hindi paninirang-puri, bagkus marka ng katapangan, katapatan at pagtataguyod ng pananagutan sa paglilingkod,” pahayag ng alkalde.

”Kung sa trabaho, paaralan at mga relasyon n’yo, ayaw n’yo ng mga taong toxic, lalong hindi karapat-dapat ang mga taong toxic sa city hall at konseho,” dagdag ng alkalde.