Lawyers

Pagiging abogado tungkulin, hindi flex–Sen. Kiko

134 Views

BINATI ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang mga bagong pasang abogado at pinaalalahanan na huwag sa titulo lang mag-concentrate kundi dapat maging sandigan ng katotohanan.

“Sa panahong parang walang batas at nilulunod ang bansa sa kurakot, hindi lang flex ang pagiging ‘Atty.’ Tungkulin ito,” sabi ni Sen. Kiko.

Hinimok ni Pangilinan ang mga bagong abogado na maglingkod sa iba’t ibang sektor ng lipunan. “Kailangan kayo sa pamahalaan, sa mga korte, sa mga unyon, at sa mga pamayanan,” sabi pa niya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpili ng serbisyo kahit hindi ito madali o kaakit-akit.

Sinabi rin niya na ang pagpasa sa Bar ay simula pa lamang ng mas malawak na tungkulin bilang abogado.

“The Bar is not a finish line. It is a gate to what you can do. Nag-uumpisa pa lang ang exciting part,” dagdag ng senador.

Para naman sa mga hindi pinalad ngayong taon, sinabi ni Pangilinan na hindi nito tinutukoy ang kabuuan ng kakayahan o layunin ng isang tao.

Hinimok niya ang mga ito na magpahinga, maghanda muli, at bumalik sa tamang panahon.

“Rest, regroup, and return when you’re ready. The law, and the country, will still need you,” dagdag niya.